top of page
  • Sep 18, 2022
  • 3 min read

Updated: Sep 23, 2022

9/18/2022

Welcome to my homepage!


Take note of its address: It is https://www.mccanlast.com/ or mc can last.

The cover title is “In my own words in three languages.” The three languages are of course in English, where I am currently based in San Francisco (USA), my third language when I was schooled and growing up in the Philippines. My first and home language is Kapampangan where I was born and grew-up in San Fernando, Pampanga. Filipino is the mandated national language (wikang pambansa) in the Philippines, and one of the two official languages with English. It is based on the standardized Tagalog language spoken and written in Metromanila (National Capital Region) and most major town and cities. Filipino/Tagalog ranks among top foreign languages in America. Filipino (Tagalog) was officially certified as San Francisco’s third language spoken under the Language Access Ordinance by the Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) on April 2, 2014).


The homepage is the home of my published and unpublished works. It is my portfolio. It is my personal digital library of my previous works and future works. I have many written columns, articles, and essays in the print media such as Manila Bulletin-USA, Manila Mail, Philippine News, Filipino Insider of the San Francisco Examiner, and Pinoy Pa Rin Kami Entertainment Journal, that need to be digitized. Although, I have written them a decade or so ago, the message is still very much relevant to today generation readers and researchers.


When my daughter Sophia was designing my website, she asked me what to highlight in the “about me” page. This is what I sent her: MC Canlas is a popular educator. Community strategist, historian, and ethnotour docent. Later, I changed my mind, and I find the title pop-ed educator more appropriate to my works, and since popular education is not common or known in North America relative to the educacion popular in Central and South America.


I would want to get involve again in pop-ed education. This is my Facebook posting on 9/16/2022.


MC's TsokTok

This is correct. This is not TikTok. I am venturing on an online Chalk Talk; And TsokTok is its Filipino slang and spelling.


Before I migrated to America, my career path was in the field of education. I was a renowned (I think, I can say that) Tsoktoker and RTR (i.e., Room-to-Room) educator. I even made fun of my nick name MC. I often impressed my audience with it: “It is short for Mass Course as in the Basic Mass Course that every activist should undergone to. “


Tsoktok is a teaching-learning activity or approach where the learners and teachers interact through visual arts, body language and performances, story-telling, evocative and provocative, and complementing the so-called pedagogical process of Activity-Discussion-Input (ADI) and Discussion-Analysis-Syntheses (DAS).


In 1980 in the Philippines, in anticipation of the release of the IMF-WB funded textbooks to the school system, I was invited to present a model of a wholistic approach to the teaching and learning of history using chalk-talk and ADIDAS to institutions of learning in Luzon, Visayas and Mindanao.


The change of regime from Martial Law and autocratic Marcos Sr to restoration of democracy and freedom, two national consultations of educators from NGOs and POs were held in 1986 and 1987. Spearheaded by the Institute for Popular Democracy (IPD), the consultations provided a forum for examining the context and practice of education in the popular movement, which gave birth to the popular education framework or the Context-Content-Method framework and the establishment of Popular Education for People's Empowerment (PEPE).


Tonight, I am invited to share my thoughts and experience as pop-ed educator. I will also share my version of chalk-talk in the age of remote and internet learning (zooming technology).


Ed dela Torre on our webinar last Saturday (9/17/2022) declared the "global debut" of TikTok ni MC to their network (Senior Citi Kwentuhan, E-Net Philippines, etc.)


This is now my new homepage. It is my new home and home base.


Welcome. Tuloy Po Kayo!


 
  • Sep 18, 2022
  • 4 min read

9/18/2022


Isang pagbati sa paglulunsad ng aking bagong passion – ang Tsok Tok ni MC – sa aking homepage https://www.mccanlast.com/. Sana makabisita kayo, at maiparating rin sa iba.

“Tao, Po!” ang madalas na ginagamit na pagbati ng nasa labas, at ang inaasahang tugon ng nasa loob ng tahanan ay “Tuloy” o “Tuloy po kayo.”


Ang pagbating ito ang isang magaling na tradisyon (mga kinaugalian at kinagistan) nating mga Pilipino sapagkat nakaugnay ito sa ating kawikaan sa ating pagkatao at patnubay natin sa buhay sa sanlibutan: “Madaling maging tao, ang mahirap ay ang magpakatao.”

Sa ating henerasyon, ilang dekada pa lamang ang nagdaan, at sa ating kasalukuyang panahon (2022), sa bilis at husay ng pagsulong ng teknolohiya sa impormasyon, maraming pagbabago tayong kinakaharap at nasasagasaan ang mga dating kaugalian, kinagawian at kinagisnan sa pang-araw-araw.


Kung ang salitang ugat ng BAYAN ay BAHAY (nawawala ang H sa bahayan, maraming bahay) at katulad rin ng paggamit sa Kapampangan sa salitang BALEN mula sa BALE, at ang mga tao sa loob at sa labas ng bahay ay may inaasahang kilos at galaw, pagtanaw at pag-unawa, at pakikitungo sa KAPWA-TAO, ang malaking katanungan at hamon sa panahong ito ay ang pag-aangkot at mahusay na paggamit ng teknolohiyang social media at internet.


May homepage (tahanan, bahay), cyberspace (sanlibutan, mundo), netizen (citizen, mamayan), malware at spam (mga hindi-tao, masasamang hayop, nanlalamang), trojan,virus, worm, (mga nanghihimasok o naloloob), Bot (nagpapanggap tao), social app (mga susi at kasangkapan isa paggamit at pagpasok sa social media) at marami pang iba.


Sa social media, kaiba sa mainstream media ng telebisyon, radio at print, ay may Tiktok, (TikTok is a social app that allows users to make short videos), at nabalitaan kong malaganap ang paggamit nito sa Pilipinas, lalu na sa hanay ng mga kabataan, kung saan naipaparating sa maraming tagasubaybay ang maiksing mensahe sa pamagitan ng video.

Nitong nagdaang linggo, habang ginagawa ng aking anak ang aking homepage, tinanong niya kung ano ang ilalagay ko sa page ng “about me.” Ang tugon ko ay “MC Canlas is a popular educator, community strategist, historian and ethnotour docent.”


Pero, sa loob-loob ko, hindi angkop na tawagin akong “popular educator” laluna nakabase ako sa Amerika. Una, hindi ginagamit itong titulo, at maging ang terminong popular education. Pangalawa, ang tradisyon ng edukasyon popular ay sa mga bansa sa Timog at Central Amerika, mula sa inspirasyon ng Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire, at hindi ito ang tradisyong kinagisnan at pinalaganap natin sa Pilipinas simula nuong 1970s, perhaps, maging sa kasalukuyan. At pangatlo, nakakaalangang tawagin kang popular educator. Bagamat totoo, sa isip at gawa, laluna sa loobin ko, isa akong edukador pero hindi ako konektado dito sa alin amng education o learning institute. At ang popular ay ginagamit sa mga celebrity, mga sikat at tanyag, at sa may malakas ang appeal tulad ng K-pop – isang popular music mula sa South Korea.


Ang pinili kong titulo ay pop-ed educator. Ang batayan at pamantayan ko ay aking mayamang karanasan sa gawaing edukasyon nuong nasa Pilipinas pa ako.

Maaga akong namulat sa mga usaping panlipunan sa ating bayan. Ipinanganak ako, lumaki at nagkaroon-muwang sa kapaligiran ng parang at sakahan, at ang aming purok ay hindi kalayuan sa kabayanan (plaza) ng San Fernando, isang ilog at tulay (tete duyan) lamang ang pagitan. Nuong hayskul ako, namulat sa pakikinig sa radyo ng ABS-CBN Radyo Patrol at DZMM, sa mga teach-in ng mga aktibista.


Sa ilalim ng rehimeng Martial Law, matindi ang repression, laluna sa malayang pamamahayag at edukasyon. Maraming ipinagbabawal. Kinakailangan maging mapanlikha (creative) sa pagbibigay ng pag-aaral at edukasyon. Dito ako nakilala nuong nasa UP pa ako bilang isang magaling na RTR (Room-to-Room), isang tagapukaw (arouse) ng kamulatan.

Naging instructor ako sa History sa UP Baguio. Sa dapat na pangatlong taon ko sa pagtuturo, isang tuntungan sana sa career na academic sa pamantasan, na-recruit ako ng isang madre (Si Sol Perpinan) para magbigay ng Teacher Training sa mga teacher sa buong bansa sa pagtuturo ng kasaysayan (History). At siya naman aking mahusay na ginampanan hanggang mag-abroad ako nuong 1984.


Education Forum (EF) nagkasama kami ni Dr. Jimmy Veneracion sa pagbuo ng isang Teacher’s Manual on Philippine History (matatagpuan ang kopya sa homepage na ito). Nitong panahong ito, binuo namin ang tinatawag na “Wholistic Approach” sa pagtuturo ng kasaysayan.


Mahalaga ang “Wholistic Approach” dahil sa may malaking pangamba ang nasa education sector na ang ipapalit sa kasalukyang teksbuk ay mga ilalabas na teksbuk na pinunduhan ng IMF-World Bank at sa panukalang batas sa Education Act of 1980.


Ang posisyon namin nina Jimmy, Sr Sol at Cha Nolasco ng Education Forum; hindi dapat palitan ng tekbuk ang textbook-oriented education. Kinakailangan ang “wholistic approach” para sa learner (tinuturuan) at teacher (nagtuturo).


Ilan sa mga naimbag namin sa pagtuturo sa klasrom ay ang ADI (Activity-Discussion-Input) mula sa tradisyong ng “group process and the inductive method” sa education. Di naglaon, pinalawak ito ng ADIDAS (Discussion-Analysis-Synthesis).


Malaki ang naimbag ko paggamit ng CHALK TALK sa wholistic approach.

Nuong 1986, sa bagong sitwasyon ng pulitika at administrasyon sa bansa, sa dalawang national conference ng mga edukador sa Pilipinas, nagbunga ng bagong balangkas o Context-Content-Method framework sa gawaing education. Pinalaganap na rin ang termino at nagbuo ng ahensiya ng Popular Education for People’s Empowerment (PEPE).


Sa hamon ng ating panahon, ang matinding paghahanap at paghahangad ng mga kasagutan at naangkop na tugon sa mga samut-saring tanong at concerns sa nagaganap sa lipunan sa ating bayan, mula sa mga Pilipino nasa loob at labas ng bansa, ninanais kong magsimula ng bukas na talakayan sa pamagitan ng Tsok Tok ni MC.


Ang TsokTok ni MC isang wholistic approach education na may pagsasalaysay, paghihimay, at pagtutuhog sa pamagitan ng social media at internet (remote learning).


Halina Subukan natin. TsokTok ni MC. Tuloy po kayo.



 

© MC Canlas 2022 Site By Sophia C.
Powered By Wix

bottom of page