Dalawang Wika, Iisang Diwa
Support FEC Galing Bata Program 25th Anniversary.
I am sharing the second poem I wrote during its inaugural year.
Dalawang Wika, Iisang Diwa
Two Languages One Heritage*
Alam ba ninyo
Did you know that
Kaming mga bata sa FEC
We the children of FEC
Ay sadyang masuswerte
Are very very lucky
Marunong kaming magbasa’t magsulat
We know how to read and write
Sa wika ng aming magulang
In the language of our parents
At sa wikang ginagamit ng nakakarami
And in the language of the majority
Amin itong pinagmamalaki
We are proud of our identity
Inaakalang mula kay Gat Jose Rizal
From the word of our national hero
“ Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit pa sa hayop at malansang isda.
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.”
Oks na Oks ang aming eskwela
Our school is cool
Isang malaking pamilya sa munting looban
We are a big family in a small compound
Nagtutulungan
We care for each other
Nagkakatuwaan
We have fun
Nagbibiruan
We make fun at each other
Kung minsan may nasasaktan
Sometimes we make other cry
Tulad sa sarili naming bahay
Like in our own home
Nariyan naman ang nanay, grandma, tito, tita, kuya at ate
Around us are our parents, grandpa, brothers, sisters, uncle and auntie
Isa kaming pamayanan
We are a community
Bakit pa mag-aalala?
Why worry?
Na kami ay mawawala ng landas?
That we fall through the cracks?
Na kami ay makakalimot sa aming pagkatao?
That we go astray and lose our soul?
Na kami ay mabibigo lamang?
That we may fail?
Hindi, hindi ito mangyayari sa aming buhay!
No, no, we wont let these happen!
Mayroon kaming wikang pampalakas ng loob
Our mother tongue is our inner strength
Ng aming niloob at damdamin
The language of our hearts and mind
Mayroon din kaming wikang pampalakas sa labas
To interface with the mainstream, we have our English
Tandaan
Remember
Kami ay may dalawang wika, iisang diwa
We have two languages, one heritage
Kami ay talagang masuswerte
We feel very lucky
Maraming salamat sa FEC
We thank our community
Maraming salamat sa inyong lahat
Thank you for being there with us
Mabuhay tayong lahat!
Mabuhay! Isang bagsak!
(clap)
(bow)
by MC Canlas
5/23/01
* Written by MC Canlas and performed by the 3rd, 4th and 5th grade students of the Filipino Education Center under Erlinda Antonio during the Flores De Mayo and Filipino Heritage Celebration held at FEC on May 31,2001.
Facebook post 11/7/2026
Comments