Ilang Acronym sa Pagkilos sa Dekada Sitenta sa UP Diliman
- Aug 30, 2025
- 3 min read
BAKAS BUKAS, serye 3
Ilang acronym sa pagkilos sa Dekada Sitenta sa UP Diliman
Ang RTR ay ang pinaikling Room-to-Room. Ginamit ang acronym na ito ng mga aktbistang
dekada sitenta sa UP Diliman. Kabilang ito sa marami pang acronym nabinigyan ng
pagkakahulugan ng mga aktibistang nasa kilusan nuong panahon yaon sa Diliman Campus.
Nakapaloob ang mga acronym sa mga inaasahang tungkulin at gawain, mga kilos at gawi,
kaalaman at pamamaraan, kasanayan at kamalayang ng isang aktibista. Kadalasan nakakabit
ito sa tatlong panawagan sa paglulunsad at pagpapatingkad ng kilusang pagbabago. Ito ay
ang tinatawag na AOM - Arouse (pagpupukaw), Organize (pag-oorganisa), Mobilization
(pagpapakilos).
Kadalasan ang mga acronym ay nasa wikang ingles, maliban na lang ang katumbas nito sa
lenguahe sa lokal ay nakagawian na rin tulad ng Grupong Ubod sa CG (Core Group), KL
(Kilusang Lihim) sa UG (Underground), OD-OP para sa Operasyon Dikit-Opersayon Pinta.
Ang paggamit ng salitang Ingles sa mga acronym sa kilusan ay nagpapakita sa lenguahe ng mga YS (Youth and Student) at MF (Middle Forces) naaayon sa panahon at pook.
Ano ang kalagayan ng UP Diliman at ng kilusan nuong mga unang tatlong taon (1972-1975) at ang sumunod na tatlong taon (1976-79)?
Kabilang ako sa batch ng freshmen pumasok sa UP nuong Hunyo 1973. Ibig sabihin kami ang graduating class ng madeklara ang Martial Law nuong Setyembre 23,1972, at kami rin ang kauna-unang batch sa UP nakaranas sa Diliman Commune at First Quarter nang tinagurian Ito bilang pugad ng mga aktibista.
Ang bakas ng nagdaang taon, kahit kamakailan lang, ay naglaho na hindi lamang sa pisikal na istruktura tulad ng matitingkad na pulang graffiti sa mga pader tulad ng “Marcos, Hitler,
Diktador, Tuta” , “Digmaang Bayan ang sagot sa Martial Law,”at ang matayog na “Paglingkuran ang Sambayanan” sa Vinson’s Hall. Kapansin pansin ang mga rehas na bakal sa dating bukas na paligid ng Palma Hall. Malayo sa larawang nalathala nuon sa barikada ng mga silya at sirang lamesa para hindi makapasok ang mga militar at riot squad.
Malaking pagbabago, ayon na rin sa mga upper classmen ng Diliman, ang takbo ng buhay sa kampus. May mga check point at security guards sa bawat entrance gate ng Arts and
Sciences building. Sarado ang mga dating entrance ng mga pavilion. Inuulirat ang mga bag ng pumapasok na estudyante. Sa tuwituwina may mga hindi nakaunipormeng guards, ang bansag namin sa kanila ay “Hapon,” “ahente” at “ponjing.”
Maging sa classroom may mapapasin kang katabi sa upuan naiibang klaseng estudyante.
Hindi sila registered sa klase, hindi sila kilala sa klase, at pinaghihinalaan ng Ilang titser na
maaring pain para manmanan ang tinuturo at diskusyon sa loob ng classroom.
Ito ang malaking hamon ng mga aktibista at kasapi ng kilusan lihim: May mga matang
nagmamasid at may mga taynga nakikinig sa mga usapan sa loob at labas ng silid aralan,
papaano ito maiigpawan ang naglilipanang ahente ng militar sa kampus.
Papaano ang pagrerecruit ng mga progresibong samahan kung mga dating MO (Mass
Organization) tulad ng Kabataan Makabayan (KM), Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), MAKIBAKA, STAND, Aletheia, at iba pa ay ban o pinagbabawal na.
Hindi lamang ban o ipinagbawal ang mga MO, mismo ang liderato ng mga MO ang nagtakda ng paglulusaw ng kani-kanilang MO. Wala ng paghihiwalay kung SDK o KM, at binuwag ang tendesyang sakit ng sectarianismo. Ang kumikilos ay nakapaloob sa isang Grupong. Ubod ng Kilusan Lihim.
Papaano mapaparating sa masang estudyante kung may panawagang pagkilos at pagsuporta sa mga kilos-protesta kontra sa rehimen at isyung pang mag aaral at pang akademiko sa panahon matindi ang repression at restriction sa kampus?
Abangan ang susunod na serye ng Bakas Bukas
NaiPost: Facebook Serye 8/29/2025
Comments