top of page

Pagbabalik-tanaw sa 1975

  • Jul 19, 2025
  • 2 min read

BAKAS BUKAS SERYE, unang sipi

Pagbabalik-tanaw sa 1975


Alam ba ninyo na Ika-50 anibersaryo sa taong ito ang paglalathala ng librong A Past Revisited ni Renato Constantino?


Sa pagbabalik tanaw sa taong 1975, mahalaga at matingkad ang taon ito sa paglihis ko ng landas at karerang kurso sa buhay.


Third year na ako sa Engineering, Setyembre 18, 1975, napadaan ako sa FC Conference, na engganyo akong pumasok para mag usisa kung ano ang tinatalakay sa forum na isponsor ng UP LIKAS.


Dito ko narinig ang kanyang panawagan “partisan scholarship”, na kailangan natin sa ating panahon ay hindi mga ihinyero kundi mga bagong istoryador na magsasaluksik at magsasalaysay hindi lamang sa punto de bista ng Pilipino kundi sa pananaw at paninindigan ng mamayang Pilipino.


Ang panawagang ito ang sumariwa sa akin nuong ako ay nag aaral pa sa hayskul sa probinsiya. Ang mga essay pamphlet tulad ng Mis Education of the Filipinos, Origin of the Myth, at Veneration Without Understanding ang nagmulat sa akin na hindi ko natutuhan sa mga required text books nina Zaide at Capino sa subject sa Philippine History at Philippine Problems.


Pumasok ako sa UP Diliman nuong 1973 bilang engineering major. Pinili ko ang BS Mining Engineering hindi lamang sa ok ang mga grades ko sa math at science sa hayskul, at udyok ng kapatid kong nasa US, kundi na rin sa pag unawa ko sa pangangailangan ng bansang Pilipinas sa darating na mga taon.


Naalala ko ang ilang usapan ng mga tibak sa SDK HQ sa tinatanyang pagtatapos ng parity rights agreement ng US at ng Pilipinas. Sino na ang hahawak at mamahala sa natural resources at likas na kayamanan ng bansa kung wala na ang mga kano?


Ito ang matingkad na dahilan kung bakit ako naging mining engineering major sa pag pasok ko sa UP. Sumanib pa nga ako sa Isang engineering based frat - Gamma Sigma Pi - para maitaguyod ko ang kursong ito.


Kaya lang, nuong 3rd year na ako sa engineering, taong 1975, nang matanto ko, na higit na makabuluhan ang maging isang historyador. Ika nga the rest is history.


Hulyo 14,2025

Comments


© MC Canlas 2022 Site By Sophia C.
Powered By Wix

bottom of page